Friday, July 24, 2009

Tagalog Thoughts: Final Destination

takbo! hawak kamay tayong tumawid sa kalsada
dun sa no jaywalking, sa green light, sa walang jeep na rumaragasa

stop, look and listen bago ka mag-ped xing,
dahil kung hindi, naku makakalimutan mong gumising.
makakatulog ka ng sobrang himbing
habang nililibing sa hukay na malalim!

final destination, alam mo ba kung san ka patungo?
final destination, alam mo ba ang dead end mo?
at pag ika'y nadedo maiisip mo kaya ito...
"noong ako'y buhay pa, anong nagawa ko para sa kapwa ko?"
alam mo ba, malalaman mo pa kaya
kung kelan ka dapat humingi ng tawad sa Kanya?
pwedeng sa bahay, eskwelahan, opisina
pwedeng sa car, plane o jan lang sa kama
kung oras mo na, kukunin ka na ni Lord.
walang himala pag oras mo na...kukunin ka na lang basta ni Lord.

pag good ka sigurado, sa langit ang iyong tungo...
pagdating ng panahon magkikita-kita tayo... =)
ngunit kung ika'y bad asahan mo, si lucio ang kukuha sayo
kaya pakabuti ka na lang kaibigan

wala ng second chance para itama ang kamalian
kahit sino ka pa basta oras mo na,
wala ka ng magagawa.
pagkat isa ka lamang tao.
sa oras mo ika'y maglalaho sa mundong ito.
laging tandaan ikaw ang gumagawa ng iyong daan
ikaw ang magbibigay kay kamatayan ng direksyon
kung saan ang iyong final destination.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...