Wednesday, March 30, 2011

Tagalog Thoughts: Sa Jeepney


"Taxi Girl". Yan ang tawag saken. Noon yun, nung college ako at nung baguhan palang ako sa trabaho. Gusto ko kasi laging comfortable sa pagbibiyahe pero natutunan ko din namang mag-commute ng hindi taxi kalaunan. Yun nga lang di lahat gusto kong sakyan. Di naman sa maarte, pero sa bus at sa tren, hindi lang ako kampante. Sa araw-araw na pagpasok sa opisina at pag-uwi sa bahay, sa jeep ako sumasakay parati.

Minsan nga lang parang hindi jeepney ang sinasakyan ko kundi parang roller coaster, kulang nalang lumipad sa bilis ng pagharurot. Minsan naman parang pagong lang sa bagal magpatakbo, di lang mga sasakyan nag oovertake, pati mga naglalakad na tao. Meron ding driver na gusto laging puno, sa lahat ng kalye tumitigil para mag hintay ng pasahero.

Sa pagsakay dito, di lang pagiging Honest ang matututunan, pati na din ang pagkakaroon ng Patience. mahabang mahabang patience! lalo na pag isang puwet lang ang nakaupo at ilang kilometro pa ang layo ng biyahe mo.

Sa tuwing nasa jeep ako, feeling ko andami kong nakikilalang tao at maraming klase ng buhay ang nauunawaan. At habang pinagmamasdan ko ang bawat isa sa mga estrangherong ito, tumatakbo utak ko, iniicip kung anong klase silang tao, anong possibleng pinagdaanan at pinagdaraanan ng buhay nila.

Ang weird ng trip ko noh?! Mas weird kaya pag biglang makipagkilala ung katabi mo..

Halos lahat na ata ng uri ng pinoy, nakita ko na sa jeep. Buong Pamilya, relihiyoso, estudyante, mag-jowa, propesyunal, mukang mayaman, nagpi-feeling mayaman, inglesero, laseng, mabaho, mabango, wala sa wishu, maganda, pa-cute, pogi, ibang lahi, pangit, mukang mandurukot, totoong mandurukot, antok, sobrang antok, mayabang, nakakatuwa, nakakainis, at marami pang iba.

Minsan nga may nakasabay akong laslas gang. Gamit ang isang bag na walang laman at sa tingin ko, blade, pilit na ginigiit ng mamang nasa harapan ko ang babaeng may malaking bag at himbing na himbing sa pagtulog. habang ang kakuntsabang nasa tabi ko ang nagsilbing look out. di sila maxadong obvious ha, pagmumuka palang nila. Hay kaloka! Habang ginagawa nila ang krimen, nag iisip ako kung ano dapat gawin, A. Bababa ba ako? B. Sisigaw? o C. Gigisingin ang babaeng kulang nalang ay humiga ng tuluyan. Buti nalang nakaramdam din ang katabi kong mama at pumara sa may mall kung saan may Pulis. Bumaba agad ang mga loko-loko at tinanong ng katabi ko ang ale kung may laslas ang bag nya. Kaya payo sa mga kapwa pasahero, magdala ng bakal na bag! =D ingat lang.

Masaya mag-jeep! Maraming kang adventures na mararanasan. Mahirap nga lang pigilan ang tawa kapag may mga nakakatawang eksena.

hmm...Buhay pasahero! =)

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...