Linggo ng umaga. Nanunuod ako habang naglalaba.
Palabas sa GMA News TV: Investigative Documentaries. Inembistigahan at pinag aralan ang disiplina ng mga pinoy. Ang "Bawal Tumawid", "Bawal umihi dito", "Bus segregation scheme" at "No double parking" ay ilan lamang sa mga ordinansang tinutukan ng investigative team.Ipinakita na marami pa ring kapwa Pilipino ang hindi sumusunod sa mga ito.
|
Tumawid sa tamang tawiran! |
Bakit ba hirap na hirap tayong sumunod at maging tamang ehemplo? Minsan tayo pa ang galit pag ginagawa ng kapwa natin ang kanilang mga trabaho. Tulad na lang sa may sign ng "No Jaywalking" o "bawal tumawid dito, nakamamatay", madalas pinagsasabihan pa ang mga enforcers na nakakaabala sila sa pagharang at pag explain kung bakit ipinagbabawal ang pagtawid. Kung tumawid na lang sana sa Pedestrian o over/underpass, e di wala sanang maaabala at ma le-late sa trabaho. Di pa mailalagay sa panganib ang buhay mo. Pero sabi nga ng mga analyst sadyang mainitin daw ang ulo ng mga pinoy dala daw ito ng mainit na klima ng ating bansa. Ayaw nating mapagod at mag amoy pawis kaya shortcut na lang ng shortcut. Pero tama ba na ganito ang ating pag iisip? nawawala ang respeto natin sa isa't isa dahil lang sa hindi pagsunod sa mga simpleng batas tulad nito?
Minsan pa nga parang nang aasar lang. Dun pa sa mismong may nakasulat, tulad ng "bawal umihi" o "bawal magtapon ng basura" ginagawa ang mga ito. Likas na pasaway lang ba talga tayong mga pinoy o hindi lang tlga tayo marunong magbasa at umintindi?
Minsan naman nagagalit tayo kapag may sunog, sabi ambabagal daw ng mga bumbero, pero kapag tinignan naman ang lugar, masikip na nga ang daan, andami pang nakahambalang na mga sasakyan. At sa mga motorista naman, walang mangongotong kung hindi ka makikiusap na makipag areglo nalang. Oo, mahirap at aksaya sa oras kapag na-kumpiska ang lisensya... kaya nga dapat matutong sumunod sa mga batas trapiko para maiwasan ang mga ganitong eksena.
Ang Pilipinas ay patuloy na umuusbong at sa patuloy na pag ganda ng ating ekonomiya, asahan natin na maraming batas pa ang paiigtingin at mas maraming matang magmamatiyag sa bawat kilos natin. Paano tayo tutungo sa matuwid na daan, kung wala tayong disiplina sa ating mga sarili at hindi tayo marunong rumespeto sa batas at kapwa natin Pilipino?
Sabi nga sa isang ad, IT'S TIME!