Saturday, April 27, 2013
Tagalog Thoughts: Sapatos.
Excited ka ng bumili ng bagong sapatos. Pumunta kang mall para maghanap.
Nalibot mu nang buong mall, wala kang nakita.
Maaring masyado ka lang mapili, masyadong mahal o di mo lang type ang mga design.
Pagod ka na kakahanap, gusto mu nang mag give up at umuwi nalang. Nang biglang nabaling ang tingin mu sa isang sapatos na naka display sa isang shoe store.
Heto na, heto na ang pinaka hihintay mong pagkakataon, nakita mu na tamang sapatos para sayo. Sinuri mo't sinubukang isuot ngunit di nagkasya, nagtanong ka kung meron ung size na kasya sayo.
Sabi ng sales lady, "last stock na po yan". BAD TRIP di ba?
dagdagan pa nya ng "actually kakabili lang po nung naunang costumer ung size na gusto nyo". Pang asar lang... arrggh!
Sa halip na mawalan ka ng pag asa, inisip mu na lang, "Maybe it's not meant for me. Kahit gaano mu kagusto ang isang bagay, kung hindi para sayo, hindi tlga para sayo".
Ganyan din daw pagdating sa LOVE, parang sapatos lang...
Pero....
hindi pa dun nagtatapos ang kwento...
Paalis ka na ng bumalik ung costumer na nakabili ng sapatos na gusto mo... nagbago daw ang isip nya at isinoli ito.
Maari mong hindi tanggapin dahil sa pride pero sa halip, natuwa ka at binili agad.
Ang lesson na natutunan ko sa Sapatos?
If it's meant to be.. It's meant to be.. Hehe =D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment