October 22-25, 2010
Biyahe: 3 oras at 45 minuto(hanggang Carmen lang ito).
- Bumaba ako sa SM Rosales para dun sunduin ng kapatid ko gamit ang kanyang kotse(ako kelan kaya ako magkaka kotse? hayss...). Kasama ang dalawa pa nyang kaibigan kumain kami sa Jabbee!(treat ko, yum burger meal para tipid hehehe) at dumaan saglit sa grocery para bumili ng mangga, crabsticks at wasabi.
- Sinundo namin ang mga pamangkin. malakas ang ulan pero tumila din agad. Pagdating sa bahay laro kami ng Monopoly Deal Game at Stacrobats. At shempre nakipagharutan din kay Munchies makulit!!!
- Gagawa dapat ako ng California Maki, un nga lang pinagpiyestahan na pala ng mga pusa ang nori o roasted seaweed. Pang asar. Kaya ung leche flan nalang na binili ko kay pareng jay ang kinain namin.
- Birthday ng kapatid ko, nagluto siya ng pansit at bumili kami ng hot pandesal with butter.
- Dumating si kuya nung hapon, nung gabi naman dumating si bunso. Dun namin sya sinundo sa bayan, hinintay nya kami sa may botika ng pinsan ko. Bumili kaming roasted manok pang dinner. Laro kami ng Monopoly at as usual may mga madaya...nyahaha..huli!
- Sira ang diet. Nilagang saba with cheese whiz. Lalo na nung adobong pato at sinigang na buto-buto ang ulam. Nilagyan ko ng Lee Kum Kee Chili with Garlic na may konting cane vinegar ang aking rice. Pampasarap! weird noh? hehe..
- Dahil umuulan, sa loob ng kuwarto kami nag set up ng tent na kasya hanggang sampung katao. Malamig! sarap matulog! habang si bunso at ang isa ko pang kapatid naglaro ng MCF hanggang alas dos ng madaling araw. adik lang =P
- At dahil responsable akong mamamayan, bumoto ako sa brgy elections. Tapos nanuod kami ng Man vs Wild: Bear Eats, bago kumain...hayyayyay!
- Ani sila ng palay habang harvest kami ng kamatis at talong. Dadaan kasi mamaya ung mga resellers para mag pick up ng mga ibebenta nila. hehe sosyal.
- Uwi nanaman. 4pm Viron bus to Cubao. Lahat ng eskuwelahang nadaanan namin madaming tao kahit maulan. Naiwan pa si bunso dahil hapon pa naman pasok nya kinabukasan. May dala akong calamansi, kamatis at lemon pasalubong sa kaibigan ko. Sweet! wahaha...
Balik ako ulet next week para sa piyesta naman ng mga patay...awoooO!!!
No comments:
Post a Comment